^

Police Metro

Van na puno ng pampasabog nasakote

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Nasamsam ng mga awtoridad ang bultu-bultong mga kagamitang pampasabog matapos na maharang ang isang van sa Barangay Ampayon, Butuan City, Agusan Del Norte, kamakalawa.

Ayon kay CARAGA Police Supt. Martin Gamba, alas-9:30 ng umaga nang maharang ng pulisya ang isang kulay abong L 300 Mitsubishi van (GEY 956)  na minamaneho ni Jay Jumawan, 19 at kasama nitong si Dennis Batal,  21, nagmamaneho naman ng kulay asul na Rusi motorcycle (3333OY) na escort ng nasabing van.

 Unang nakatanggap ng positibong impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa ibibiyaheng mga eksplosibo na daraan sa nasabing lugar kung saan nakuha  dito ang anim na sako ng ammonium nitrate at anim pang kahon na ang laman  naman ay 100 aluminum super plain detonators at iba pang sangkap sa paggawa ng eksplosibo.

 Ang mga suspects at ang mga nakumpiskang eksplosibo ay nasa kustodiya na ng pulisya at nahaharap ang una sa kasong kriminal sa Prosecutors Office ng lungsod

vuukle comment

AGUSAN DEL NORTE

AYON

BARANGAY AMPAYON

BUTUAN CITY

DENNIS BATAL

JAY JUMAWAN

MARTIN GAMBA

POLICE SUPT

PROSECUTORS OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with