^

Police Metro

Hairstylist patay sa saksak

Ricky T. Tulipat, Amia Madrid - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 26-anyos na hairsty­list ng hindi pa nakikilalang suspect kamakalawa sa Quezon City.

Ang biktimang si Louie Adona, residente ng Barangay Balingasa ay natagpuang patay at naliligo sa kanyang dugo.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1:55 ng madaling-araw sa tapat ng Banco de Oro sa Andres Bonifacio st., panulukan ng Bignay Alley, Barangay Balingasa kung saan isang Faustino Torres ang nakarinig ng isang malakas na sigaw habang tumatakbong papalayo rito ang isang di kilalang lalaki.

Nang lumapit si Torres ay nakita na lang nitong patay ang biktima kaya agad na ipinagbigay-alam ang insidente sa isang empleyada sa malapit na gasolinahan sa naturang lugar.

Ayon sa Scene of the Crime Operative, ang biktima ay nagtamo ng isang saksak sa kaliwang dibdib, sugat sa dalawang kamay  at kaliwang binti.

vuukle comment

ANDRES BONIFACIO

AYON

BARANGAY BALINGASA

BIGNAY ALLEY

FAUSTINO TORRES

ISANG

LOUIE ADONA

QUEZON CITY

SCENE OF THE CRIME OPERATIVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with