^

Police Metro

Bakasyunista pinag-iingat sa HIV-AIDS

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinag-iingat ng Department of Health  ang mga bakasyunista at mga turista sa pagbabakasyon sa Puerto Galera.

Sa press statement ni Dr. Eduardo C. Janairo ng DOH-National Capital Region, pinayuhan  ang mga magtutungo sa Puerto Galera, Oriental Mindoro na iwasan ang unprotected sex dahil isa ang lugar kung saan nananatiling problema ang HIV/AIDS.

Anya, mapipigil ang pagtaas ng kaso ng HIV sa bansa sa pamamagitan ng pagpapakalat ng tamang impormasyon sa publiko.

Nilinaw ni Dr. Janairo na gaya ng ibang karamdaman, ang HIV ay maaaring maiwasan sa pamamagitan nang hindi pakikipagniig kung kaninu-kaninong partner o kaya ay paggamit  ng condom.

Sa report ng DOH, ang Puerto Galera ay nakahanay sa    Category C Area, kung saan may mas mataas o higher risk ng pagkalat ng HIV.  

Ilan sa mga kadahilanan kung bakit kadalasang nahahawa o  magkaimpeksiyon ng Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) at Human Immunodeficiency Virus (HIV), ay mga kababaihang sex workers (FSWs), mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki o males having sex with males (MSMs), injection of  drug users (IDUs), at overseas foreign workers (OFWs). 

Noong nakalipas na Pebrero 2014 ay Philippine HIV at ng  AIDS Registry ang kabuuang  486 na bagong  HIV positive individuals na kinumpirma ng STD/AIDS Cooperative Central Laboratory (SACCL).

ACQUIRED IMMUNE DEFICIENCY SYNDROME

CATEGORY C AREA

COOPERATIVE CENTRAL LABORATORY

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. EDUARDO C

DR. JANAIRO

HIV

HUMAN IMMUNODEFICIENCY VIRUS

PUERTO GALERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with