2 killer ng lady reporter, may mukha na
MANILA, Philippines - Malapit nang mahulog sa kamay ng batas ang dalawang lalaki na siyang bumaril at pumatay sa tabloid reporter na si Robelita “Rubie†Garcia noong Abril 6 sa tapat ng bahay nito sa Barangay Talaba 7, Bacoor, Cavite City matapos na kilalanin ng pamilya at ilang kapitbahay ang ipinakitang computerized facial composite ng dalawang suspek.
Nabatid na nagkaroon ng lead ang pulisya sa dalawang suspek dahil sa naganap na pamamaril at pagpatay kina Alberto Espuerta at pamangkin nitong si Romeo Teves, ng Tabing Ilog Brgy. Talaba 2 dakong alas-4:35 ng hapon kamakalawa.
Ang dalawang suspek ay kinilalang sina Alex Leonil, tinatayang nasa pagitan ng edad 36-38 anyos, may taas na 5’7â€, payat ang pangangatawan habang nasa kaparehong edad din ang isa pang suspek na si Tammy Gatil “Marcialâ€, may katamtamang pangangatawan at nagtataglay ng “crucifix tattoo†sa kanang leeg, mga tubong Western Samar at umano’y may mga dati nang kaso sa pagpatay.
Ang “crucifix tattoo†ang nagmarka sa isipan ng saksi na nakakita sa gunman na bumaril kay Garcia, lalo pang nabuo ang hinala ng mga otoridad na may kaugnayan ang dalawang kaso ng pamamaslang kay Garcia at sa magtiyuhin matapos magbigay ng salaysay ang hindi pinangalanang survivor na umano’y kasama ng mga suspek na narinig niyang sinabi ng mga ito na may “titirahin†umano silang “media†ilang linggo bago ang pamamaril kay Garcia.
Nang iprisinta ng mga otoridad sa mga kaanak ni Garcia ang computerized facial composite ng mga suspek ay positibo nilang tinukoy ang mga ito bilang responsable sa krimen.
Ayon pa rin sa ilang kapitbahay ni Garcia, nakita rin nila ang mga suspek sa lugar na bumibili ng sigarilyo sa tindahang malapit sa bahay ng pinaslang na tabloid reporter ilang minuto bago ito pinagbabaril.
- Latest