P.1-M naholdap sa UV passengers
MANILA, Philippines - Aabot sa P100,000.00 na mga salapi, alahas at cellphone ang nataÂngay ng tatlong holdaper sa mga pasahero ng isang UV Express Van kamakalawa ng hapon sa bounÂdary ng Pasay at PaÂrañaque City sa Baclaran.
Ang mga biktima ay kinilalang sina Jane Paula Roxas, ng San Mateo, Rizal; Orlando Grabado, 32, ng Imus, Cavite; Andrea Jala, 24, ng Dasmariñas, Cavite at Haide Capili, 35, ng Bacoor, Cavite.
Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang pangÂhoholdap dakong alas-2:30 ng hapon sa bounÂdary ng Pasay at Parañaque,
malapit sa Lydia’s Lechon ng tatlong holdaper na nagpanggap ng pasahero sa UV Express Van (UWD-168) na minamaneho ni Wilfredo Payson, 50 ay sumakay ang tatlong suspek sa area ng Cavite.
Tinutukan ng patalim at baril ng tatlong suspek ang mga pasahero at nilimas ang mga salapi, alahas at mga cellphone tulad ng iPhone 5 na aabot sa P100,000.00 bago nagsitakas ang mga ito.
- Latest