^

Police Metro

Sunog sa Caloocan, Malabon at Port Area: 1 patay, 10 sugatan, 1 nawawala

Doris Franche-Borja, Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang lalaki, 10 ang nasugatan at isa ang nawawala sa naganap na sunog sa Caloocan City, Malabon City at Port Area, Maynila kahapon.

Ang nasawi ay kinilalang si alyas Ricky, 46, ng BMBA Compound, 2nd Avenue, Caloocan City.

Ang mga nasugatan dahil sa tinamong 2nd degree burns ay sina Antonio Duran, barangay chairman ng Brgy. 120; Cristina Navarro; Allan Pineda, at Lea Chua.

Sa ulat dakong alas-5:25 ng hapon nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang Jojo Esperida na mabilis na kumalat dahil sa pawang yari sa light materials ang mga bahay sa lugar.

Aabot sa 500 kabahayan ang natupok habang nasa higit 1,000 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Samantala, isang Eliza­beth Villegas na isang paralitiko ang iniulat na nawawala matapos na sumiklab ang sunog sa Palmario Pilapil St., Brgy.Tonsuya, Malabon City na ikinatupok ng 300 kabahayan kahapon ng alas-12:30 ng madaling-araw.

Nasugatan naman sina Virginia Baldebiso, 66; mister na si Domingo,67;Antonio Sidayon, 76; Janno Criss Baldebiso, 22; Servino Tremposa, 70; Rinty Marquez, 19.

Sa kasalukuyan ay hindi batid kung saan bahay nagsimula ang apoy na naapula dakong alas-5:00 ng umaga.

Naabo naman ang ilang tindahan ng mga surplus appliances sa Roberto Oca St., Port Area Maynila nang masunog  ang gusaling kinatitirikan kahapon ng alas-11:30 ng umaga.

Nabatid na mula sa shop ng isang alyas Rashid ay gumapang ang apoy hanggang sa mga kalapit na  establisyimento sa pagitan ng Philippine  Red Cross (PRC) annex at  Manila Police District Traffic Enforcement Unit.

May naputol umanong kable sa pinagkukumpunihan ng mga second hand refrigerators na nahulog sa lona kaya umano nagkasunog.

 

ALLAN PINEDA

ANTONIO DURAN

ANTONIO SIDAYON

BRGY

CALOOCAN CITY

CRISTINA NAVARRO

JANNO CRISS BALDEBISO

JOJO ESPERIDA

LEA CHUA

MALABON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with