^

Police Metro

10K allowance ng mga pulis Maynila, aprub na

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Aprub na at anumang oras ay maaari nang  matanggap ng mga pulis sa Manila Police District (MPD) ang P10,000 allowance mula kay Mayor Joseph Estrada.

Ito’y matapos na ipasa ng  konseho ng Maynila resolution No. 130 na nagbibigay ng   awtoridad kay Estrada  na gamitin ang kanyang   Special Activities Fund sa ilalim ng  Non-Office Expenditures (Statutory and Contractual Obligations).

Nabatid na hiniling ni  Secretary to the Mayor Atty. Edward Serapio   sa pamamagitan ng  isang  sulat kay Presiding Officer at Vice Mayor Isko Moreno ang adaption ng resolution hinggil sa paggamit ng  special  activities fund  ni Estrada bilang allowance ng  mga pulis Maynila.

Sa desisyon ng   konseho ng Maynila,  agad na ipinasa ang  resolusyon kung saan  maaaring maglabas ng  P29,580,000 si Estrada  mula sa kanyang  special acti­vity fund para naman sa  financial assistance o allowance ng mga pulis. Ang P10,000 ay quarterly  matatanggap ng  mga pulis.

Paliwanag naman ni   Majority Floor Leader at 2nd District Councilor Marlon Lacson,  idinadaan ni  Estrada ang lahat ng  gagastusin sa konseho upang maiwasan ang anumang  pagkuwestiyon  lalo na ng  Commission on Audit (COA).      

Aniya, nagiging maingat lamang si Estrada sa mga inilalabas na pondo at sinunod lamang nito ang tamang proseso kung saan ang  lahat ng  expenses ay kailangan na  may resolution.

Naniniwala naman si Moreno na makakapagpataas ng  moral ng  mga pulis  ang   P10,000  allowance dahil indikasyon lamang ito na  prayoridad din ni Estrada ang  kanilang kapakanan.

Sinabi ni Moreno na dapat suklian ng mga pulis ng  totoong serbisyo  sa mga Manilenyo at dedikasyon sa trabaho ang  mga ginagawa ni Estrada upang  maibalik ang tiwala ng publiko.

 

DISTRICT COUNCILOR MARLON LACSON

EDWARD SERAPIO

ESTRADA

MAJORITY FLOOR LEADER

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

MAYOR ATTY

MAYOR JOSEPH ESTRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with