^

Police Metro

Pananalig kay Kristo painitin pa! - Solon

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipagdiwang ngayong araw na ito ang Easter o Pasko ng Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo sa  pamamagitan ng pinainit na pananalig sa Kaniya habang tinatahak nating lahat ang landas ng pag-ibig at pagpapatawad na inilatag Niya para sa Sangkatauhan.

Ito ang panawagan kahapon si ABAKADA Rep. Jonathan dela Cruz sa Sambayanan dahil sa bumangon mula sa kamatayan ang Panginoong Hesus upang iligtas ang buong Sangkatauhan, hindi lang isa o iilan kundi tayong lahat sa kasalanan at pangunahan tayo sa daan patungo sa Kaniyang kaharian.  

Ayon pa kay Dela Cruz, ang pinakamaliit na­ting puwedeng magawa ay ang sundan Siya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng buhay na tahimik, makatwiran at makatarungan.

Pinaalalahanan ni Dela Cruz ang Sambayanan na ang pagsunod sa mga utos at pangaral ng Diyos ang pinakamabisang solusyon sa lahat ng problema at krisis na kinakaharap ngayon di lang ng bansa kundi ng buong Sangkatauhan.

Idinagdag pa ni  Dela Cruz na walang dapat gawin ang tao kundi isuko at ipaubaya sa Kaniya ang lahat at Siya na ang bahala sa atin. Siya ang magdadala sa atin sa tunay na tamang landas. Hindi Niya tayo aabusuhin kailanman sa ating mga kahinaan.

 

vuukle comment

AYON

DELA CRUZ

HINDI NIYA

KANIYA

PANGINOONG HESUKRISTO

PANGINOONG HESUS

SAMBAYANAN

SANGKATAUHAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with