^

Police Metro

Dahil sa agimat... 10 bala tumalbog sa katawan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naligtasan ng isang 35-anyos na lalaki ang kanyang kamatayan sa paniniwalang iniligtas siya ng kaniyang suot na agimat makaraan na tumalbog sa kanyang katawan ang mga bala ng shotgun mula sa hindi pa nakilalang dala­wang lalaki  kamakalawa  sa paggunita sa Semana Santa sa Brgy. Dinasan. Dalman, Zamboanga del Norte.

Ang biktima na nakaligtas sa kamatayan ay si Roland Villejo, may-asawa at residente ng nasabing lugar.

Sa ulat bandang alas-8:00 ng gabi habang nag­lalakad ang biktima sa nasabing lugar pauwi sa kanilang bahay nang bigla na lamang umanong lumabas mula sa pinagtataguang damuhan ang mga suspek at  pinagbabaril ng 10 beses ng homemade shotgun.

Ayon sa biktima na tumalbog ang mga bala at hindi bumaon sa kaniyang katawan dahilan sa suot umano niyang agimat na matagal na niyang iniingatan.

Sa pag-aakala naman ng mga suspek na napuruhan ang biktima ay mabilis nagsitakas ang mga ito.

Ayon sa biktima na ang nasabing agimat ay pamana umano ng kaniyang lolo na  matagal na niyang iniingatan at inoorasyunan tuwing Biyernes Santo.

Duda naman ang mga otoridad sa teorya ng biktima dahil sa suot nitong agimat  at posible anya na hindi asintado ang mga suspek.

AYON

BIKTIMA

BIYERNES SANTO

BRGY

DALMAN

DINASAN

ROLAND VILLEJO

SEMANA SANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with