^

Police Metro

3 magkapatid nagbigti

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tila sumunod sa yapak nang pagpapakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ng kanyang ate at kuya  ang isang 23-anyos na lalaki naganap kamakalawa ng umaga sa Caloocan City.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa Jose Rodriguez Memorial Hospital ay kinilalang si Johnson Cielo, ng Barrio Concepcion Dulo, Tala ng naturang lungsod.

Sa ulat, dakong alas-11:30 ng umaga nang maiwang mag-isa sa kanilang bahay ang biktima nang mamalengke ang ina.

Ilang oras ang nakalipas nang dumating ang ina ay hinanap nito ang anak, ngunit hindi sumasagot at nadiskubre na nakakandado ang pinto ng banyo at nang tawagin ang anak ay hindi pa rin ito tumutugon.

Humingi na ng saklolo sa mga kapitbahay ang ina para puwersahang buksan ang pinto ng banyo at dito tumambad ang nakabigting biktima gamit ang alambre.

Sa imbestigasyon ng pulisya na una nang nagpatiwakal ang kuya ng biktima noong Abril 2013 habang ang ate naman nito ay nagbigti nitong nakaraang Marso.

Iniimbestigahan ng pulisya ang kaso upang matiyak na walang foul play na nangyari.

vuukle comment

ABRIL

BARRIO CONCEPCION DULO

CALOOCAN CITY

HUMINGI

ILANG

INIIMBESTIGAHAN

JOHNSON CIELO

JOSE RODRIGUEZ MEMORIAL HOSPITAL

MARSO

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with