Hirit na TRO ni Cedric Lee, sinopla ng CA
MANILA, Philippines - Sinopla ng Court of Appeals (CA) ang hirit na Temporary ResÂtraining Order (TRO) ng kampo ng negosÂyanteng si Cedric Lee para sana mapatigil ang pagdinig ng DOJ sa kinakaharap na kasong serious illegal detention and grave coercion na sinampa ng actor/tv host na si Vhong Navarro.
Sa sinulat na desisyon ni CA AssoÂciate Justice Leoncia R. Dimagiba, ponente sa kaso, inatasan si ProÂsecutor General Claro Arellano at iba pang respondent gaya ng panel of prosecutors at NBI na magsumite ng paliwanag sa petition at supplemental petition ng grupo ni Cedric Lee sa loob ng sampung araw.
Kabilang sa mga pumabor sa resolution ay sina Associate Justices Ricardo Rosario at Mario Lopez.
Noong nakaraang linggo, idinulog na ng DOJ sa Taguig City Regional Trial Court ang kasong serious illegal detention and grave coercion laban kina Lee at Deniece Cornejo, kasama ang limang iba pang resÂpondent sa asunto.
Sa pinagsamang-resoÂlution na may petsang April 4, 2014 na inaprubahan ni ProÂsecutor General at linagÂdaan nina Assistant State Prosecutors Olivia Torrevillas, Hazel Decena-Valdez at Mari Elvira Herrera, na nag-imbestiga sa kaso, mayroong proÂÂÂbaÂble cause upang isulong sa korte ang kaso laban sa pitong respondent.
Bukod kina Cedric Lee at Cornejo, dawit din sa kasong serious illegal detention and grave coercion sina Bernice Lee, Simeon Raz, Jose Paolo Calma, Ferdinand Guerrero at Jed Fernandez.
Sinabi ng panel na kumpleto ang tatlong element ng krimen na inihain ni Navarro kabilang na rito ang pagkakait sa kanya ng kalayaan at pananakit.
- Latest