^

Police Metro

Pacman binati ng pangulo

Rudy Andal at Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Agad na nag­pa­­abot ng pagbati ang Pangu­long Be­nigno Aquino III kay Sarang­gani Rep. Manny Pacquiao sa pagkapanalo nito laban kay Timothy Bradley Jr.

Nabawi ni Pacman ang kanyang WBO welterweight cham­p­ion­­ship belt makaraang talunin si Bradley ng unanimous decision.

“Muling nagdiriwang ang samba­yanang Pilipino sa pagkapanalo ni Congressman Manny Pacquiao sa pakikipagtuos niya kay Timothy Bradley, Jr. matapos ang 12 rounds, nana­ig ang lakas at gilas ng ating pambansang kamao upang mabawi ang World Boxing Orga­nization Welterweight title,” ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte.

Sinabi pa ni Usec. Valte, patunay lamang ang tagumpay na ito ni Manny na kung ibubuhos ng isang Pilipino ang kanyang buong puso sa anumang larangan, lahat ng pagkakadapa ay pansamantala, at lahat ng pagkakalugmok ay muling maibabangon.

“Tunay ngang nagsisilbing inspirasyon si Manny para sa napakarami nating kababayan. Kinakatawan niya ang nang­yayaring pagbang­on ng Pilipinas, matapo­s ang patung-patong na sakuna ng nagdaang taon”, pahayag pa ni Valte.

“Malinaw ang pahayag natin sa mundo: Minsan man tayong pabagsakin ng matitinding unos, buong-loob pa rin tayong titindig; laging mangingibabaw ang lalim ng pananampalataya, tibay ng pagkakaisa, at tatag ng puso ng lahing Pilipino,” sabi pa Valte.

Malaking ­tagumpay ang panalo ni ­Pacquiao

Malaking ­tagumpay sa sambayanang Pilipino ang panalo ng Pambansa­ng Kamao at Saranggani Rep. Manny Pacquiao sa kalaban nitong si Timothy Bradley.

Ayon kay House Spea­k­­­er Feliciano ‘Son­ny’ Belmonte Jr., lubos ang ka­si­ya­han ng Kongreso dahil muli na namang pina­tunayan ni Pacquaio ang pagiging hari ng ring.

Sa pagbabalik ng se­s­yon ay plano ng Kama­ra na kilalanin ang tagumpay na binigay ni Pacman hindi lamang sa sarili kundi sa buong bansa.

Nagpaabot din ng kanilang pagbati sa kasamahang mambabatas na sina CIBAC Partylist Rep. Sherwin Tugna, Quezon City Rep. Bolet Banal, Cebu Rep. Gwendolyn Garcia, Manila Rep. Amado Bagat­sing, Navotas Rep. Toby Tiangco, Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian at LPGMA Rep. Arnel Ty.

Naniniwala si Gat­chalian na pinatunayan ni Pacquaio sa kanyang laban na kaya nitong sumabay sa mga batang boksingero.

Dagdag naman dito ni Garcia na ang tagumpay ni Pacquiao ay nagpakita ng pagi­ging tunay na kampion at ang hindi matatawarang galing at fighting spirit ng mga Pilipino.

Sinabi naman ni Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez na ibinalik ni Pacquiao ang pride ng mga Pinoy “international­ly” at buong Kamara ay nagdiriwang at masayang masaya sa panalo ng Pambansang Kamao.

 

AMADO BAGAT

ARNEL TY

PACQUIAO

PILIPINO

REP

SHY

TIMOTHY BRADLEY

VALTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with