^

Police Metro

Nene patay sa baril ng kuya

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 8-anyos na batang babae matapos na aksidenteng tamaan ng  bala ng baril na pinaputok ng kanyang kuya para sana sa kaaway nito kamakalawa sa bakuran ng kanilang bahay sa Brgy. Del Pilar, Cabadbaran City, Agusan del Norte.

Ang nasawi ay kinilalang si Lyka Latunan Ga-an. Habang ang suspek na half brother nito ay kinilalang si Armando Latunan, 38.

Batay sa ulat, dakong alas-5:00 ng hapon ay kasalukuyang naglalaro ang biktima sa kanilang bakuran na matatagpuan sa Sitio Pirada, Brgy. del Pilar nang  dumating ang isang Delio Guy-an  at hinahanap  si  Armando.

Nang magkita ang dalawa ay nagkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo hanggang sa bumunot ng baril si Armando at pinaputukan nang sunud-sunod sa direksyon ni Guy-an na kaaway nito.

Subalit, sa kamalasan ay sumablay ito at sa halip ay sa nakababatang kapatid nito sumapul ang mga bala ng pinaputok niyang baril.

 

vuukle comment

AGUSAN

ARMANDO

ARMANDO LATUNAN

BATAY

BRGY

CABADBARAN CITY

DEL PILAR

DELIO GUY

LYKA LATUNAN GA

SITIO PIRADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with