QC isusulong maging technical skills capital
MANILA, Philippines - Isusulong ni QC Vice Mayor Joy Belmonte na maging technical skills capital ng Pilipinas ang lungsod.
Katulong ng QC governÂment ang pamahalaan ng Korea sa pagkakaroon ng isang tripartite agreement ang Korea at Pilipinas (KORPHIL) sa pamamagitan ng Korean International Cooperation Agency, TESDA para makapag produce ang lungsod ng mga highly skilled manpower sa IT industry.
Anya, naglaan ang Korea ng $4.3 milyon sa Tesda para pondohan ang proyektong ito sa QC gayundin ang mga equipment at structure para dito.
Para sa matagumÂpay na pagpapatupad ng proyektong ito ay nakapagpatayo ang QC government ng IT traiÂning center sa Novaliches katulong ang Korea upang dito hasain at bigyan ng training ang mga taga QC tungkol sa IT at ang mga graduates dito ay bibigyan ng trabaho ng KORPHIL.
- Latest