^

Police Metro

20 sundalo sugatan vs Abu

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasugatan ang may 20 sundalo nang makasagupa ang mga bandidong Abu Sayyaf  Group (ASG) sa inilunsad na strike  operation sa Tipo-Tipo  at Ungkaya Pukan, Basilan kahapon.

Sa ulat, bandang alas-2:25 ng madaling araw nang makasagupa ng Army’s 104th Infantry Brigade (IB) ang grupo ng mga bandido sa Sitio Pansul, Brgy. Silongkum, Tipo-Tipo.

Nabatid na naglunsad ng assault operation ang  tropa ng militar laban sa  grupo ni Abu Sayyaf Group Commander Furuji Indama na sangkot sa serye ng terorismo, extortion at kidnapping for ransom sa lalawigan.

Nakasagupa  ng mga elemento ng 3rd Scout Ranger Battalion at 18th Infantry Battalion sa ilalim ng Army’s 104th Brigade ang grupo ng mga bandido na  tumagal ng 45 minuto ang putukan.

Muli na namang nakasagupa bandang alas-7:25 naman ng umaga ng mga sundalo ang nasa 60 Abu Sayyaf sa pamumuno nina Basir Kaguran at Nurhassan Jamiri sa Brgy. Baguindan, Ungkaya Pukan ng  naturang lalawigan.

 Ang naturang grupo ay nagsasagawa ng extortion sa isinasagawang Magcawa–Albarkha road project sa lalawigan.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP COMMANDER FURUJI INDAMA

BASIR KAGURAN

BRGY

INFANTRY BATTALION

INFANTRY BRIGADE

NURHASSAN JAMIRI

SCOUT RANGER BATTALION

UNGKAYA PUKAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with