^

Police Metro

Seaman nahulog mula sa flyover

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kalagayan ang isang 27-anyos na seaman matapos itong tumilapon sa sinasakyang motorsiklo at nahulog mula sa 20 talampakang taas ng Kalayaan flyover kahapon ng umaga sa Makati City.

Ang biktima ay kinilalang si Clark Macasadia, ng  #720 San Diego St., Sampaloc, Manila na ginagamot sa Ospital ng Makati.

Batay sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga ay galing sa Kalayaan Ave­nue ang biktima at mabilis na binabaybay ang Kalayaan flyover sakay ng kanyang motorsiklo (NP-8315) patungo sa Gil Puyat Avenue nang aksidenteng nabangga ito sa gutter.

Sa bilis ng takbo ay nawalan ito ng kontrol at nakabitiw sa manibela kaya’t tumilapon ito hanggang sa mahulog ito sa tulay at bumagsak sa Gil Puyat kanto ng Edsa at naiwan ang kanyang motorsiklo sa flyover.

Nakapagresponde ang Rescue Team ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at isinugod sa ospital  ang biktima na kung saan ay nabali ang buto sa tad­yang at mga buto sa hita.

Hindi naman napinsala ang ulo nito dahil sa nakasuot ng safety helmet.

Posible anya na maputulan ng hita ang biktima dahil sa pagkadurog ng kanyang mga buto.

CLARK MACASADIA

GIL PUYAT

GIL PUYAT AVENUE

KALAYAAN

KALAYAAN AVE

MAKATI CITY

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

RESCUE TEAM

SAN DIEGO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with