Ulo napisak ng elevator
MANILA, Philippines - Napisak ang ulo ng isang 39-anyos na mason nang maipit ito ng alimak eleÂvator na aksidenteng bumukas naganap kahapon ng umaga sa ginagawang gusali sa Makati City.
Ang biktima na idineklarang patay sa Ospital ng Makati (OSMAK) ay kinilalang si Fernando Lapis, ng J. B. Roxas St., Barangay Olympia ng lungsod.
Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-11:00 ng umaga sa loob ng ginagawang Jazz Residences na matatagpuan sa Jupiter St., Barangay Bel-Air ay nagpapaÂlitada ang biktima para sa finishing ng concrete wall ng naturang gusali na malapit sa alimak eleÂvator.
Habang nagpapaÂlitada ay bigla na lamang bumukas ang alimak elevator at tinamaan at naipit ang ulo nito.
Sa sobrang pagkaipit ay kinailangan pang tanggalin ang pintuan ng alimak elevator ng mga kasamahan at ilang minuto ang nakalipas bago tuluyang naialis ang pagkaipit ng ulo ng biktima.
Iniimbestigahan ng pulisya ang insidente at inaalam kung may pagkukulang sa safety measure ang pamunuan ng naturang gusali at contractor nito.
- Latest