^

Police Metro

Buntis utas sa ex-convict

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inatado nang saksak ng isang ex-convict  ang isang 27-anyos na ginang na walong buwang buntis kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Ang biktima na namatay habang ginagamot sa Tondo Medical Center ay kinilalang si Rochelle Bautista maging ang anak niya sa kanyang sinapupunan sanhi ng mga saksak sa dibdib at likurang bahagi ng katawan.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Rolito Morallos, 32, ng 221 Sta. Catalina St., Tondo, Maynila.

Sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang pagsasaksakin ang biktima sa harapan ng kanyang bahay at tinigilan lang ang pananaksak nang ito ay sigawan ng kapitbahay ng biktima na itigil na ang pananaksak at tumakas ito sa direksiyon ng Sta. Catalina.

Ayon sa pulisya, droga ang tinitignang motibo sa pagpatay sa biktima dahil may nakuha sa loob ng  bra nito ng dalawang piraso ng hinihinalang shabu.

Ayaw naman kumpirmahin ng pulisya kung nagbebenta o gumagamit ng shabu ang biktima na naipasa lang ng kanyang  dating asawa ang gawaing illegal matapos na mapatay din ito sa droga.

Nabatid din na  apat na taon nang nakulong ang suspek sa National Bilibid Prison (NBP) sa kasong assault upon person of authority  at frustrated murder at nakalaya lamang ito noong Enero 14, 2014.

 

vuukle comment

AYAW

AYON

CATALINA ST.

ENERO

MAYNILA

NATIONAL BILIBID PRISON

ROCHELLE BAUTISTA

ROLITO MORALLOS

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with