^

Police Metro

Nakonsensiya sa pananaksak, nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Posible anya na nakonsensiya ang isang lalaki matapos nitong saksakin ang hipag kung kaya’t nagpasya itong magpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti kahapon ng umaga sa Quezon City.

Natagpuan ang bangkay ng suspek na si Ralph Alejandro, 49, may-asawa, refrigerator/aircon techinician sa kisame ng kanyang bahay sa Pisces St., Carmel 5 Subdivision, Brgy.Tandang Sora dakong alas-7:00 ng umaga na nakabigti.

Kritikal naman ang lagay ng hipag nitong si Zorayda Tantua, 50, na residente rin sa lugar.

Batay sa imbestigasyon na noong gabi ay nagkaroon nang pagtatalo ang suspek at misis niyang si Corazon ukol sa pera, kaya’t nakitulog ito bahay ng kapatid na si Zorayda na kalapit bahay lang nila.

Nang puntahan ng suspek ang asawa sa bahay ni Zorayda kinaumagahan ay hindi nito nakita ang misis dahilan para magtalo ang dalawa sa loob ng kuwarto.

Dito ay agad na pinagsasaksak ng suspek ang biktima at dito ay may isang sumaklolo na kaanak at naagaw ang patalim sa una hanggang sa tumakbo at nagkulong sa kanyang kuwarto.

Mabilis na itinakbo ng kaanak sa Global Pacific Medical si Zorayda kung saan ito nilapatan ng lunas.

Nagsumbong ang mga kaanak sa barangay upang ireklamo ang suspek at nang puntahan ang bahay ay hindi nito pinagbuksan kaya’t puwersa­hang binuksan at tumambad ang suspek na nakabitin sa kisame gamit ang kable ng kuryente.

 

vuukle comment

BATAY

BRGY

GLOBAL PACIFIC MEDICAL

PISCES ST.

QUEZON CITY

RALPH ALEJANDRO

TANDANG SORA

ZORAYDA

ZORAYDA TANTUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with