Trust rating kay P-Noy bumagsak
MANILA, Philippines - Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia mula sa 1,200 respondents ay bumagsak ang trust rating ni Pangulong Benigno Aquino III na mula sa 74 percent na trust rating noong Disyembre 2013 ay bumagsak ito sa 69 percent nitong Marso sa kabila ng naging achievement sa pag-aresto sa high profile fugitives na sina Delfin Lee at mag-asawang communist leaders na sina Benito at Wilma Tiamzon.
Subalit, ang approval rating Pangulong Aquino ay nanatili sa 70 percent sa 1st quarter ng 2014.
Lumitaw din sa Pulse Asia survey na nananatili ang pagtitiwala ng taumbayan kay Pangulong Aquino sa pamumuno nito sa gobyerno.
Ang survey ay isinagawa ng Pulse Asia matapos maaresto ng mga awtoridad ang mag-asawang lider ng Communist Party of the Philippines (CPP) nitong Marso 22 sa Cebu.
- Latest