^

Police Metro

Bus bumaliktad: 3 todas, 25 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bumaliktad ang isang pampasaherong bus nang masalpok ng kasalubong na dump truck na ikinasawi ng tatlong katao at pagkasugat ng 25 iba pa kamakalawa ng gabi sa Tiaong,Quezon.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Remedios Tandrones, 65; Alyssa Sangayan, 10; at Eden Tandrones; 37, pawang residente ng BF International Village, La Piñas City.

Isinugod naman ang 25 sugatang biktima kabilang ang driver ng bus na si Jovanne Impestan, konduktor nitong si Emerald Barbas at 23 pasahero na na-trap sa bumaliktad na bus.

Batay sa ulat, bandang alas-11:50  ng gabi  nang  maganap ang banggaan ng Jam Liner bus (TWZ 661) na biyaheng Lucena City na minamaneho ni Impestan sa kasalubong nitong Hyundai dump truck (UHX 955) na minamaneho ni Arwin Manalo sa kahabaan ng Maharlika highway, Brgy. Lalig  sa bayan ng Tiaong.

Sa pahayag ng mga pasahero na hindi umano mabilis ang takbo ng bus nang makabanggaan nito ang kasalubong na truck sa pakurbang daan ng nasabing highway.

Base sa nakuhang mga mga debris at fragment sa pinangyarihan ng insidente ay maituturing na ang dump truck ang umano ang may kasalanan sa insidente na siyang bumangga sa kaliwang bahagi ng bus sa linya nito.

Sa lakas nang pagkakabangga ay bumaliktad at tumilapon ng may 40 metro ang bus na ikinasawi at ikinasugat ng mga pasahero.

 

ALYSSA SANGAYAN

ARWIN MANALO

BUS

EDEN TANDRONES

EMERALD BARBAS

INTERNATIONAL VILLAGE

JAM LINER

JOVANNE IMPESTAN

LA PI

LUCENA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with