Comelec naghahanda na sa plebisitong Bangsamoro
MANILA, Philippines - Inihahanda na ng pamunuan ng Commission on Elections (Comelec) ang gaganaping halalan para sa Bangsamoro political entity na kung saan ay isang komite ang itinatag upang mangasiwa sa plebesito.
Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez, pamumunuan ni Commissioner Al Pareño ang Bangsamoro plebisÂcite committee.
Matatatandaan na noong nalagdaan ang peace agreement sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay nagpahayag na ng kahandaan ang Comelec sa plebisito o pagdetermina sa mga lugar na magiging sakop ng Bangsamoro political entity.
Sakop ng plebisito ang mga lalawigan at siyudad na nasa ilalim ng kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), mga munisipalidad sa Lanao Del Norte, mga lalawigan sa Cotabato at iba pa.
- Latest