^

Police Metro

Reporter patay: Niratrat sa loob ng bahay

Cristina Go Tombang at Ricky Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang isang reporter makaraang pasukin sa kanyang tahanan at pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang  suspek sa Barangay Talaba 7, Bacoor City, Cavite kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rubylita  ‘Rubie’ Garcia nasa hustong gulang, reporter/columnist ng Remate, presidente ng CALABARZON Presscor at residente ng Tramo St., Brgy. Talaba 7 sa lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO3 Romar Sinnung, may hawak ng kaso, alas-10:15 ng umaga ng maganap ang insidente.

Ayon sa report, habang nasa loob ng kanyang tahanan ang reporter ng pasukin siya ng isa sa tatlong suspek at walang  sabi-sabing pinagbabaril sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Nang makitang duguan na bumagsak ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek, sakay ng isang motorsiklo habang ang reporter ay isinugod sa St. Minimic Hospital pero nalagutan din ng hininga dahil sa limang tama ng bala ng kalibre 45 baril sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Hindi pa batid ng pulisya ang motibo ng ginawang pagpatay sa reporter na subject ngayon sa ginagawang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad.

Inaalam na rin ng mga tauhan ng Bacoor PNP kung may kinalaman sa trabaho ng biktima ang ginawang pagpatay sa kanya.

Kaugnay nito ay mariing kinondena ni Benny Antiporda, pangulo ng National Press Club (NPC) ang ginawang pagpatay sa mamamahayag kasabay ng panawagan sa mga opisyal ng pamahalaan na gawin ang lahat ng paraan para madakip ang mga salarin.

 

AYON

BACOOR

BACOOR CITY

BARANGAY TALABA

BENNY ANTIPORDA

BRGY

NATIONAL PRESS CLUB

ROMAR SINNUNG

ST. MINIMIC HOSPITAL

TRAMO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with