^

Police Metro

Vhong kinasuhan uli ng rape

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa ikatlong pagkakataon ay muli na namang nahaharap sa panibagong kasong rape si TV host/actor Vhong Navarro nang sampahan ito ng isang babae na nagta-trabaho bilang double sa isang telenovela sa Quezon City Prosecutors Office kahapon ng umaga. 

 Sa apat na pahinang reklamo ng biktima na hindi pinagamit ang tunay na pangalan na ang pang­hahalay sa kanya ni Navarro ay naganap sa loob ng sports uti­lity vehicle nito(SUV) ilang linggo habang nagaganap ang ta­ping ng telenovela nitong nakalipas na 2009.

Sa salaysay ng biktima, sinabihan siya ng  driver ng actor na pumasok sa loob ng SUV ni Navarro dahil nais umano siyang kausapin ng aktor habang break pa ang taping.

Habang nasa loob umano siya ng sasakyan ay pinu­wersa umano siya ng actor na magsagawa ng oral sex at pagkatapos ay nag-masturbate pa umano si Navarro sa kanyang harap at pinagbantaan  na kakagatin ang maselang bahagi ng kanyang katawan.

Hindi pa umano nagkasya ang actor at ipinasok pa umano nito ang kanyang kamay sa loob ng short ng biktima at ipinasok ang kanyang daliri sa ari nito.

Hindi umano binanggit ng complainant sa ibang tao ang nangyari sa kanya dahil sa takot at kahihiyaan sa sarili.

Ilang araw ang nakalipas ay ipinagtapat niya ito sa kanyang matalik na kaibigan ang ginawa umano ni Navarro.

Ngayon lamang nakapagharap ng reklamo ang biktima laban kay Navarro dahil nahikayat umano siya sa iba pang mga kababaihan na magsampa ng kaso laban dito.

Magugunita na u­nang nagsampa ng kasong rape si Denice Cornejo at sumunod ay ang isang Roxanne Cabanero.

vuukle comment

DENICE CORNEJO

HABANG

ILANG

MAGUGUNITA

NAVARRO

QUEZON CITY PROSECUTORS OFFICE

ROXANNE CABANERO

UMANO

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with