^

Police Metro

Arraignment kay ex-CJ Corona, sinuspinde

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa may naka-pending pang resolusyon sa DOJ  sa katulad na  kasong tax evasion ay ipinagpa­liban kahapon ng Court of Tax Appeals ang pagbasa nang sakdal sa napatalsik na si dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Naitakda ang arraignment ni Corona sa Hunyo 4 ganap na alas -9:00 ng umaga.

Nag-ugat ang kaso ni Corona sa reklamo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nagsasabing nabigo ang una na mag-file ng kanyang income tax returns  sa loob ng anim na taon mula taong 2003  hanggang  2010.

Naglagak naman ng piyansa si Corona ng halagang P120,000 para sa kanyang 12 counts ng tax evasion case.

Si Corona ay kinasuhan ng BIR matapos mapatalsik  sa tungkulin noong Disyembre  12, 2011.

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

COURT OF TAX APPEALS

DAHIL

DISYEMBRE

HUNYO

NAGLAGAK

NAITAKDA

SI CORONA

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with