^

Police Metro

16 preso pumuga sa Bible study

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinamantala ng 16 na preso ang isinasagawang bible study nang pumuga ang mga ito tangay ang sari-saring mga armas at patalim sa naganap jailbreak  sa Calbayog City, Samar kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 8 Director Chief Supt. Henry Losanes, dakong alas-9:20 ng umaga nang maganap ang jailbreak sa Calbayog City Jail na matatagpuan sa Brgy. Gadgaran ng lungsod.

Kabilang sa mga tumakas ay sina Eddie Cagomoc; Palang Delos Reyes; Boy Pintuan; Parag Cuanico; Nelwin Juanerio; Miemie Juligado; Edwin Abria; Pinote Salsalejo; Gerry Dealagdon; Omang Carpio; Ian Panti; Joey Agas; Efren Pante; Malix Lucente; Dindo Calagos at isa pang hindi natukoy ang pangalan na pawang nahaharap sa kasong murder, robbery at iba pang uri ng krimen.

Lumalabas sa imbestigasyon, habang nagsasagawa ng Bible study  sa mga bilanggo ang tinukoy na mag-asawang Salurio mula sa Bible Baptist Church sa Calbayog City ay isang inmate ang bigla na lamang sumugod sa isang bantay na tinukoy  sa apelyidong Jail Officer 1 Galindes at puwersahang inagaw ang cal. 9 MM service pistol nito.

Habang nakikipagpambuno ang preso kay Galindes ay sinugod naman ng iba pa nitong kasamahang bilanggo ang guardhouse ng bilangguan.

Nabatid na natangay ang mga armas ng mga preso ay dalawang M16 rifles, isang shotgun, isang 9 MM pistol mula sa mga jailguard bago ang mga ito nagpanakbuhang patakas sa gate ng naturang  City Jail.

Isang manhunt operations ang ikinasa ng pulisya laban sa mga pumugang preso at nakikipag-ugnayan na rin sa pamilya upang kumbinsihin na sumuko sa batas.

BIBLE BAPTIST CHURCH

BOY PINTUAN

CALBAYOG CITY

CALBAYOG CITY JAIL

CITY JAIL

DINDO CALAGOS

DIRECTOR CHIEF SUPT

EDDIE CAGOMOC

EDWIN ABRIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with