^

Police Metro

Top 4 sa PNPA cadets anak ng mga pulis

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mga anak ng mga  pulis ang top 4 sa mga nagsipagtapos sa kabuuang 202 kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA).

Sa ginanap na gradua­tion ceremony kahapon ng PNPA sa Camp Maria­no Castañeda sa Silang, Cavite, itinanghal na topnotcher sa  Mandirigmang May Dangal at Isipan Laan Para sa Bayan (Mandilaab) Class 2014 si Police Cadet Glenn Tabo Santilices, 25, anak ni PO3 Heide Santilices na tumanggap ng Kampilan Award mula kay Pangulong Benigno Aquino III at PNP Chief P/Director General Alan Purisima.

Pumangalawa naman si  Police Cadet Bryan John Dayag Baccay, 21, ng Tuguegarao City, Cagayan at anak ng retiradong pulis na si Nelson Baccay na tumanggap naman ng Vice President Kampilan Award mula kay Vice President Jejomar Binay.

Nasa pangatlong puwesto naman si Police Cadet Allan Benedict Ramos Rosete, 22, anak  ng pulis na si Benny Rosete na tubong Penablanca, Cagayan na personal na  tumanggap ng Secretary of Interior and Local Government Award mula kay Interior Secretary Manuel Roxas II.

Ang pang-apat naman ay si Police Cadet Andy Ray Asturias Geronilla na ang ama ay ang retiradong pulis na si Edilberto Geronilla  at  tumanggap ng Plaque of Merit .

Ang  202 nagsipagtapos ay kinabibilangan ng 192 lalaki at 10 babae ay otomatikong nabiya­yaan ng ranggo bilang mga bagong Police Inspectors.

Mahigit kalahati sa mga nagsipagtapos ay mapupunta sa PNP, 10 sa Bureau of Jail Management and Peno­logy (BJMP) habang ang nalalabi pang siyam ay matatalaga naman sa Bureau of Fire and Protection (BFP).

BENNY ROSETE

BUREAU OF FIRE AND PROTECTION

CAMP MARIA

CHIEF P

DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

EDILBERTO GERONILLA

HEIDE SANTILICES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with