Obrero pisak sa elevator
MANILA, Philippines - Pisak ang isang obrero matapos na mabagsakan ng isang temporary elevator na ginagamit na pangÂhakot ng gamit habang naglilinis ng dingding sa gusaling pinagta-trabahuhan kahapon sa Quezon City.
Ang biktima na namatay noon din ay nakilaÂlang si Ameronding Macarampit, 22, ng Caloocan City.
Sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga sa consÂtruction site sa Armsterdam St., Brgy. Batasan Hills ay naatasan ang biktima ng kanyang proÂject manager na linisin ang dingding ng gusali sa ibaba.
Habang naglilinis ay hindi nito nabatid mula sa kanyang itaas na bumaÂbaba na ang elevator at sa kabila umano ng sigaw ng mga kasamahan na umalis ito ay hindi sila narinig hanggang sa tuluyan na itong mabagsakan.
- Latest