^

Police Metro

SLEX road mishap: 20 pasahero sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sugatan ang dalawampung pasahero nang  maaksidente ang isang pampasaherong  bus  sa kahabaan ng South Luzon Expressway, Sta Rosa City, Laguna kahapon ng umaga.

Batay sa repot mula sa Camp Crame, ang insidente ay naganap dakong alas-6:15 ng umaga kahapon matapos na lumuwag at matanggal ang tornilyo ng kanang gulong ng Southern Carrier Bus kaya nawalan na ng kontrol ang driver nito.

Ang nasabing bus ay may sakay na 50-pasahero at patungong Lipa City galing sa Pasay City nang maganap ang aksidente.

Agad namang isinugod sa San Jose Hospital at Biñan Doctors Hospital ang mga nasugatang pasahero, ilan sa mga ay ang nabalian ng buto sa sakuna.

Samantalang, mabilis na nagresponde ang mga bumbero upang mapigilan ang posibleng sunog matapos na kumalat ang krudo ng bus kalsada.

 

vuukle comment

BATAY

CAMP CRAME

DOCTORS HOSPITAL

LIPA CITY

PASAY CITY

SAN JOSE HOSPITAL

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

SOUTHERN CARRIER BUS

STA ROSA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with