Seaman huli: ‘sinisid’ ang menor-de-edad
MANILA, Philippines - Huli ang isang seaman matapos na ireklamo ng panggagahasa ng isang menor-de-edad na kanya umanong ‘sinisid’ sa isang hotel sa Sta. Cruz, Maynila.
Kinilala ni Manila City Hall-Manila Action and Special Assignment (MASA) chief, Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr. ang suspek na si Roderick Padilio, 42, tubong Kabangkalan, Negros Occidental.
Ayon sa biktimang si Nora, 17, ni-rape umano siya ng suspek noong Marso 12 sa isang Hotel sa Sta. Cruz, Maynila nang pumayag siyang makipagkita sa suspek dahil may papipirmahan umano ito sa kanya na dokumento para sa ATM.
Nagulat na lamang ang biktima nang pumasok sila sa nasabing hotel. Sa kabila ng kanyang panlalaban ay naisagawa ng suspek ang panggagahasa kung saan inirekord pa ito ng suspek sa kanyang laptop.
Sinabi ni Nora kay PO3 Christian Balais, matapos ang ilang araw ay muling nagtext sa kanya ang suspek at sinabihang makipagkita sa kanya na binalewala naman ng biktima. Pero natakot ang biktima nang i-text siya ng suspek ng ‘pag di ka nakipagkita sa akin baka i-post ko na to sa mga Facebook at mga friends mo’.
Nakipagkasundo ang biktima na makipagkita sa suspek kahapon sa isang mall sa tapat ng city hall kung saan humingi naman ng tulong sa MASA.
Agad namang umaksiyon ang mga operatiba ng MASA sa pangunguna ni Sr. Insp. Ness Vargas, PO1 Abdul Jabbar Alonto, PO1 Jake Balberde, PO2 Christopher Silva, PO2 Norman Manalansan, SPO1 Joel Aquino at SPO1 Nicanor Zablan III at inaresto ang seaman.
- Latest