^

Police Metro

PO1 gulpi sarado kay tserman

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mistulang nalantang gulay ang isang bagitong pulis matapos na kuyugin at pagtulungang gulpihin ng nairitang grupo ng isang barangay chairman sa piyesta ng Brgy. San Jose, Imelda, Zamboanga Sibugay kamakalawa.

Ang biktima ay kinilalang si PO1 Gerald John Giner, nasa hustong gulang at aktibong miyembro ng Imelda Police Station.

 Inireklamo nito ang suspek na si Nelson Ortega, Brgy.Captain sa nasabing lugar.

Batay sa ulat, dakong alas-2:00 madaling-araw naganap ang insidente sa piyesta kaugnay ng  ika-37 araw ng Brgy. San Jose.

Nabatid na kasalukuyang nagpapatupad ng seguridad ang nasabing pulis sa naturang okasyon nang sitahin nito ang isang lalaki na nakasuot ng itim na jacket na umano’y kakaiba ang ikinikilos.

Nagkataon namang kamag-anak pala ni Ortega ang sinitang lalaki ni Giner na agad nagsumbong sa kapitan na agad namang sinugod kasama ang mga tagasunod nito at pinagtulungang kuyugin at bugbugin ang nasabing pulis.

 

vuukle comment

BATAY

BRGY

GERALD JOHN GINER

GINER

IMELDA

IMELDA POLICE STATION

INIREKLAMO

NELSON ORTEGA

SAN JOSE

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with