Nakinabang sa P900-M Malampaya funds pangalanan
MANILA, Philippines - Panahon na para malaÂman kung sino ang mga nagpasasa sa pondo na dapat sana’y napakinabaÂngan ng mga magsasakang napinsala ng kalamidad.
Ito ang nais ni Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano upang malaman ng taumbayan kung sinu-sinong opisyal ng gobyerno at mga pribadong indibiduwal ang nakinabang sa P900 milyon Malampaya funds.
Anya dapat simulan na ang imbestigasyon sa P900 million Malampaya gas fund lalo pa’t patapos na ang imbestigasyon tungkol sa P10 bilyong pork barrel fund scam.
Ang pondo aniya ay dapat inilaan sa mga magsasaka na napinsala ng bagyong Ondoy at Peping noong 2009.
Ilang opisyal ng Department of Agriculture ang sinasabing sangkot sa paglustay sa Malampaya funds.
- Latest