^

Police Metro

Pinakulong ni Claudine, pinalaya ni Gretchen

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Posible muling magbangayan ang magkapatid na Claudine at Gretchen Barretto matapos na piyansahan ng huli ang da­ting personal assistant ng kapatid na kanyang ipinakulong sa kasong qualified theft.

Hindi lubos makapaniwala si Dessa Patilan na 10 buwang nakulong sa Marikina City Jail  nang bayaran ni Gretchen ang P60,000 piyansa at tulu­yang makalabas dakong ala-1:00 ng hapon.

Matatandaang 10 buwang nakulong si Patilan sa Marikina City Jail matapos siyang ireklamo ni Claudine, 34, ng kasong pagnanakaw sa
kanyang mga alahas at pera na nagkakahalaga umano ng P8.5 milyon.

Mariin namang itinatanggi ni Patilan ang akusasyon at sinampahan din ng
kontra-demanda ang da­ting amo dahil sa umano’y pagnanakaw ng kanyang perang naipon at gadget na umabot sa halos P13,500.

Inamin naman ni Atty. Alma Mallonga na ang kaso ni Patilan ay naipaabot sa kanilang tanggapan sa pamamagitan rin ni Gretchen na may hindi rin pagkakasunduan sa kapatid na si Claudine.

Nilinaw rin ng abogado na libre o pro bono lamang ang kanilang serbisyo kay Patilan.
Pansamantala munang tumutuloy sa isang orphanage sa Marikina City si Patilan.

ALMA MALLONGA

CLAUDINE

DESSA PATILAN

GRETCHEN

GRETCHEN BARRETTO

INAMIN

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY JAIL

PATILAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with