^

Police Metro

Maid dedo sa gulpi ng mag-asawa

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 15-anyos na dalagita na kasambahay ang nasawi matapos na pagtulungang gulpihin ng mag-asawang amo kamakailan sa Caloocan City.

Sa isang follow-up ope­ration ay inaresto ang mag-asawang Edwin Alcala at Jefrel Tublano, kapwa nasa hustong gulang at naninirahan sa Unit 502 Building 18 MRH Site, Malaria, ng naturang lungsod.

Batay sa reklamo ng ina ng biktima na si Leah Gonzales na nakipanulu­yan siya sa bahay ng mag-asawa na mga personal niyang kaibigan noong Marso 14. 

Paalis na siya dakong alas-6:30 ng gabi nang makita na sinampal umano ni Tublano ang kanyang anak na sinundan ng panu­nuntok ni Alcala.

Sumaklolo ang ina  sa anak at naayos naman ang gusot dahil sa hindi lamang umano pagkakaunawaan kaya’t umalis ang ina para magtrabaho.

Subalit, dakong alas-12:00 ng tanghali nitong Marso 15, ay nakatanggap ng tawag sa cellphone si Gonzales buhat kay Alcala na nagsabing isinugod ang anak niya sa Bermudez Hospital. 

Inilipat naman ito ni Gonzales sa East Avenue Medical Center ngunit nalagutan ito ng hininga dahil sa matinding pinsala sa ulo.

Nang maaresto ang mag-asawa ay kapwa nila itinanggi na may kinalaman sila sa pagkasawi ng dalagita. 

Ang mag-asawa ay kinasuhan ng murder in relation to child abuse.

vuukle comment

ALCALA

BERMUDEZ HOSPITAL

CALOOCAN CITY

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

EDWIN ALCALA

GONZALES

JEFREL TUBLANO

LEAH GONZALES

MARSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with