Fetus bumara sa inidoro
MANILA, Philippines - Dahil sa pagbara ng inidoro ay natuklasan ang isang fetus ng lalaki ang sanhi ng pagbabara sa isang apartment sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Batay sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi nang madiskubre ang tinatayang nasa 5-6 buwang fetus sa loob ng banyo ng isang apartment na matatagpuan sa no. 1274 C.M. Recto AveÂnue corner Buenavidez St., Binondo, Maynila.
Sa salaysay ng boy ng apartment na si Regie Almodiel, 29 ay agad niyang inayos ang reklamo ng ilang teÂnants hinggil sa baradong inidoro at doon niya nadiskubre ang nakabarang fetus na nakasilid sa isang plastic bag.
- Latest