^

Police Metro

Trak biglang hinto, tatlo katao dedo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tumilapon sa sinasakyan nilang motorsiklo ang tatlong katao matapos na sumalpok sa sinusundan nilang 10-wheeler na biglang huminto kamakalawa ng gabi sa Butuan City, Agusan del Norte.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jun Manego, John Donaire at Eldrian Gurnea, 27; pawang residente ng Brgy.  Ambago ng lungsod na ito.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-9:00 ng gabi sa kahabaan ng national highway, Brgy. Baan, KM14 ay kasalukuyang pauwi na ang mga biktima lulan ng motorsiklo na minamaneho ni Gurnea.

Nabatid na masyado umanong mabilis ang takbo ng motorsiklo nang biglang huminto ang sinusundang truck.

Hindi na umano nagawang makapag-preno ang motorsiklo kung kaya’t malakas na sumalpok ito sa truck na naging dahilan para tumilapon ang mga biktima.

Nagtamo ang mga biktima ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad ikinasawi nina Manego at Donaire habang si Gurnea ay idineklarang dead-on-arrival sa ospital.

In-impound naman ng mga aotoridad sa Butuan City Police Station 1 ang truck habang pinagha­hanap ang driver na mabilis na tumakas.

vuukle comment

AGUSAN

AMBAGO

BRGY

BUTUAN CITY

BUTUAN CITY POLICE STATION

ELDRIAN GURNEA

GURNEA

JOHN DONAIRE

JUN MANEGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with