Death toll sa salpukan ng 2 barko: 2 na ang nasawi
MANILA, Philippines - Nasa dalawang katao na ang nasawi habang siyam pa ang patuloy na pinaghahanap sa malagim na banggaan ng barko sa Caraballo Island sa pagitan ng karagatan ng Ternate at Cavite City sa lalawigan ng Cavite.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, isa pang bangkay ang narekober kahapon ng umaga na kabilang sa sampung nawawala na si Vincent dela Cruz na nakita ang katawan sa loob ng lumubog na F/B Dan Israel matapos una nang narekober kamakalawa ang bangkay ng nasawing si Jojo Sumbillo matapos na lumutang ang katawan nito sa dagat.
Patuloy ang isinasagawang search and rescue opeÂrations ng pinagsanib na elemento ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard sa siyam pa na nawawala.
Iniulat ni Naval Task Force 27 Chief Captain Leofilo Pulmano, na nagpadala na rin ng dalawang barko at aircraft ang Philippine Navy sa bisinidad ng Carballo Island nang mangyari ang banggaan ng fishing vessel na Dan Esrael at isang cargo vessel dakong alas-11:00 ng gabi noong Miyerkules.
- Latest