^

Police Metro

Loan, suweldo ng pulis ibinulsa ng kabaro

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagsampa ng kasong estafa at perjury ang isang pulis-Maynila  laban sa kabaro nito na pulis-Bicutan  matapos na ibulsa nito ang nasa P200,000 na pina-loan ng una.

Inireklamo ni PO3 Melvin Pornillos, 39, may-asawa ng 1865 Rango St., Tondo, Manila, nakatalaga sa MPD-Station 1 ang pulis na si SPO1 Lovely Bacani, dating nakatalaga sa MPD-D1 at ngayon ay nakatalaga na sa Regional Police Hol­ding Administrative Unit (RPHAU) sa National Capital Regional Office (NCRPO) sa Bicutan, Taguig City.

Sa salaysay ng biktima noong February 5, 2014 ay binigyan ni Pornillos ang suspek ng “Special Power of Attorney” (SPA) upang siyang mag-loan sa kanyang sa­lary at kumuha ng kanyang suweldo.

Matapos na makuha ng suspek ang halagang P200,000 loan ay hindi umano nito ibinigay sa biktima at nalaman din na napa-encash ng una ang tseke sa pamagitan ng pame-meke sa signature ng huli.

Bukod sa P200,000 na loan, nakuha rin ng suspek ang kanyang mga suweldo sa pamagitan din ng pamemeke ng pirma ng biktima.

Nabatid na itinuturing umano ng biktima ang suspek na kanyang “matalik na kaibigan” kaya nito pinagkakatiwalaan.

ADMINISTRATIVE UNIT

BICUTAN

LOVELY BACANI

MELVIN PORNILLOS

NATIONAL CAPITAL REGIONAL OFFICE

RANGO ST.

REGIONAL POLICE HOL

SPECIAL POWER OF ATTORNEY

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with