^

Police Metro

Kaso ni Cudia idudulog sa korte

Joy Cantos, Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung sakali’t  mabigo ang apela na payagan na makasama sa mga magsisipagmartsa sa graduation ceremony sa Philippine Military Academy (PMA) sa  Marso 16 si Cadet Jeff Aldrin Cudia ay nakahanda ang pamilya na idulog sa korte ang kaso.

Personal na nagtungo ang pamilya ni Cudia sa pangunguna ng ama nitong si Renato Cudia kasama si Public Attorneys Office (PAO) Chief Atty. Percida Acosta na nagsumite ng apela sa liderato ng AFP sa Camp Aguinaldo para mapabilang sa mga gagradweyt si Cudia.

Isinumite ng mga ito ang kanilang appeal memo kay AFP  Deputy Chief of staff for Personnel (J1) Rear Admiral Philip Cacayan kung saan rerebyuhin ito ng kanilang Judge Advocate General’s Office (JAGO).

Una nang inihayag kahapon ng AFP na hindi na makakasama sa mga magsisipagtapos sa PMA Siklab Diwa Class 2014 si Cudia kasunod ng ipinalabas ng desisyon ng PMA Appeal ang Review Board na dismis na ito sa PMA kung saan ang endorsement ay naisumite na kay Pa­ngulong Benigno Simeon Aquino III.

Sinabi ni Acosta na ayaw man nilang humantong sa husgado ang kaso ay wala silang magagawa kundi gawin ang nasabing hakbang para maibigay ang hustisya sa problemadong kadete.

 â€œKung ang batas may puso, tao pa kaya”, ang sabi ni Acosta na aminadong nahahabag sa kalagayan ni Cudia na masasayang ang apat na taong pagsisikap para makapagtapos sa prem­yadong akademya kapag nagkataon.

Binigyang diin ni Acosta na sapat  ang parusang naranasan ni Cudia kung saan kabilang na rito ang pagkawala sa honor roll dahilan sa paglabag sa Honor Code.

Si Cudia ay dapat na magtapos bilang No. 2 sa top 10 at top sa Navy Class bukod pa sa pagiging Class Baron kung hindi umano ito nasangkot sa paglabag sa Honor Code ng mahuli ng 2 minuto sa isa sa klase nito kung saan hindi naibigan ng Honor Committee ang katwiran nito.

ACOSTA

BENIGNO SIMEON AQUINO

CADET JEFF ALDRIN CUDIA

CAMP AGUINALDO

CHIEF ATTY

CLASS BARON

CUDIA

DEPUTY CHIEF

HONOR CODE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with