^

Police Metro

Delfin Lee ilipat sa ordinaryong selda – Binay

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Gusto ni Vice President at housing czar Jejomar Binay na mailipat sa ordinaryong selda ng isang provincial jail ang naarestong pugante at nagmamay-ari ng Globe Asiatique (GA) na si Delfin Lee at hindi umano dapat na mabigyan ng “special treatment”.

Sinabi ni Binay, tumatayo ring chairman ng Housing and Urban Development Coordina­ting Council at chairman ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund Board of Trustees, kailangang pantay-pantay ang pagtrato sa akusado, mayaman man o mahirap. Dapat aniya ay walang espesyal na pagtrato sa mayaman.

Ayon kay Binay, ang pagkaka-aresto kay Lee ay unang hakbang pa lamang para makamit  ang hustisya ng mga Pag-IBIG members at sa libu-libong biktima ng “double sale”. Ngayon, aniya kailangan iaplay ang rule of law at hindi dapat bigyan ng anumang special treatment si Lee at dapat siyang ilagay sa regular na selda tulad ng  ibang akusado.

Magugunita na matapos na maaresto ng PNP Task Force Tugis sa isang hotel sa Malate, Manila si Lee noong Huwebes ng alas-7:00 ng gabi, agad siyang dinala sa Camp Crame para sa medical checkup. Kinaumagahan, iprinisinta siya sa Pampanga Regional Trial Court branch na nag-isyu ng warrant of arrest laban sa kanya.

 

BINAY

CAMP CRAME

DELFIN LEE

FUND BOARD OF TRUSTEES

GLOBE ASIATIQUE

HOME DEVELOPMENT MUTUAL FUND

HOUSING AND URBAN DEVELOPMENT COORDINA

JEJOMAR BINAY

PAG

PAMPANGA REGIONAL TRIAL COURT

TASK FORCE TUGIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with