Pagkukunwari, tanggalin na ngayong kuwaresma – Tagle
MANILA, Philippines - Tanggalin ang pagiging mapagkunwari o hipokrito sa halip ay magbalik loob sa Diyos ngayon panahon ng kuwaresma. Ito ang panawagan sa lahat ng mananampalatayang Kristiyano ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.
Anang Cardinal, ang tunay na mensahe ng Kuwaresma ay pagkakawangÂgawa, panaÂnalangin at pag-aayuno o fasting.
Sinabi ng Cardinal, mas masarap at magaan sa sarili kung ang bawat isa ay nagtutulungan at naglaÂlaan ng oras at panahon para sa Panginoon.
Hinimok naman ni CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs Manila auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang mga mananampalataya na magbago at magbalik loob sa Diyos.
Ipinaalaala din ng Obispo sa lahat, na isapuso ang pagkawanggawa, pagdarasal at pag-aayuno ngayong kuwaresma.
Kaugnay nito, tiniyak ng Archdiocese of Palo na mararamdaman pa rin ang diwa ng kuwaresma sa kanilang lalawigan sa kabila ng matinding karanasan sa bagyong Yolanda.
Ayon kay Rev. Fr. Oscar Florencio, Rector ng St. John the Evangelist School of Theology at isa sa mga nanguna ng relief operation sa mga lugar ng pinadapa ng bagyong Yolanda, hindi maaapekÂtuhan ng pinsala ng bagyo ang kanilang panaÂnampalataya dahil buhay ang pag-asa at pananalig sa Panginoon.
Sinabi ni Fr. Florencio na gugunitain ng mga Yolanda survivors ang Kuwaresma sa pamamagitan ng pag-aayuno o fasting.
Pinayuhan ng pari ang mga biktima ng bagyo na isa-isip na matagal na panahon pa ang aabutin ng kanilang recovery period at dapat nilang isaalang-alang ang pagtiÂtipid ng pagkain.
- Latest