^

Police Metro

2 parak sugatan sa shootout... most wanted dedo sa aresto

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nauwi sa barilan ang paghahain ng mga otoridad ng warrant of arrest sa isang most wanted na drug pusher na naganap kamakalawa sa Tanjay City, Negros Oriental.

Ang suspek na napatay ay kinilalang si Marlon Silva, gumagamit ng mga alyas na Tama at Tom Jones, residente ng Brgy. Polo ng nasabing lungsod. Habang naaresto ang dalawa nitong kasama na sina Agustin Ferolino  ­Tagat­ at Elber Curita.

Nasugatan naman ang dalawang pulis na mi­yembro ng Provincial Anti-Illegal Drugs and Special Operations Task Group (PAIDSOTG).

Batay sa ulat, bandang alas- 5:00 ng umaga nang salakayin ng arresting team mula sa pinagsanib na elemento ng 7th Regional Criminal and Detection Unit (RCIDU), PAIDSOTG at Tanjay City Police ang lungga ni Silva at ilan nitong kasamahan sa Brgy. Polo para isilbi ang warrant of arrest sa kasong pagtutulak ng droga.

Sa halip na sumuko ay agad na nagpaputok si Silva na nauwi sa barilan sa pagitan ng magkabilang panig na nagresulta sa pagkamatay nito.

Nasamsam sa operas­yon ang apat na mga armas, sari-saring rounds ng bala at ilang plastic sachet ng methamphe­tamine hydrochloride o shabu.

AGUSTIN FEROLINO

BRGY

DRUGS AND SPECIAL OPERATIONS TASK GROUP

ELBER CURITA

MARLON SILVA

NEGROS ORIENTAL

REGIONAL CRIMINAL AND DETECTION UNIT

TANJAY CITY

TANJAY CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with