^

Police Metro

2 lalaki na nagtatapon ng bangkay, huli sa CCTV

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Huli sa closed circuit television (CCTV) ang dalawang lalaki na nagtatapon ng isang bangkay ng lalaki na nakalagay sa balikbayan box kahapon ng umaga sa Pasay City.

Ang dalawang lalaki na nahuli ng CCTV na nagtatapon ng bangkay ay kinilalang sina Joseph Torrente, 30, at Ferdinand Villegas kapwa residente  ng 2451 M. Dela Cruz St., ng  lungsod.

Nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya, subalit nabi­gong madakip ang da­lawa.

Batay sa ulat, alas-6:00 ng umaga nang matagpuan ng mga nag­rorondang barangay tanod ang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki sa harap ng isang bahay sa 2334 M. Dela Cruz St.

Walang nakaka­kilala na mga residente sa nasabing bangkay na inilarawan na nasa pagitan ng 35 hanggang 40-anyos, nakasuot ng gray na t-shirt at maong na pantalon, may tattoo na “Cheska” sa kanang balikat at laslas ang leeg.

vuukle comment

BATAY

CHESKA

DELA CRUZ ST.

FERDINAND VILLEGAS

HULI

JOSEPH TORRENTE

NAGSAGAWA

PASAY CITY

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with