^

Police Metro

Pumalag sa aresto... Killer dedo sa barilan

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ng mga pulis ang isang lalaki na suspek sa pagpatay matapos na manlaban sa mga aaresto sa kanya naganap kamakalawa sa Quezon City.

Ang suspek na idinek­larang dead-on-arrival sa ospital ay kinilalang si Mark Lawrence Escultor, 27, ng Block 5, Lot 148, Pook Libis, Brgy. UP Campus, Diliman, QC.

Ayon sa pulisya ang suspek ay siyang pumatay sa isang Danny Panaligan, ng Flores St., Brgy. Krus na Ligas.

Batay sa ulat, bago naganap ang shootout dakong alas-12:30 ng madaling-araw sa Sitio San Isidro, Brgy. Bagong Pagasa ay nagsasagawa ng follow-up operation ang tropa ni Insp. Diogenes Gaoaen sa hideout ni Escultor nang makita na tumatakas ito sakay ng motorsiklo.

Habang tumatakas ay pinapaputukan umano ng suspek ang mga otoridad dahilan para ito ay bumangga sa nakaparadang SUV at sumadsad sa kalye.

Inatasan ng mga otoridad ang suspek na sumuko subalit pinaputukan nito ang una dahilan para gumanti at tinamaan ito.

 

 

vuukle comment

BAGONG PAGASA

BRGY

DANNY PANALIGAN

DIOGENES GAOAEN

FLORES ST.

MARK LAWRENCE ESCULTOR

POOK LIBIS

QUEZON CITY

SITIO SAN ISIDRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with