^

Police Metro

4 Katao kinidnap sa Sulu

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dinukot ng hindi pa kilalang mga kalalakihan ang apat katao kabilang ang dalawang batang magpinsan na anak ng mga negosyante matapos harangin ang kanilang sinasakyan kahapon sa Jolo, Sulu.

Ang mga binihag na biktima ay kinila­lang  sina Mohammad Zaher, 10-anyos; Princess Raiza Karanain, 8-anyos; yaya na si Almalyn Abuhail, 18 at driver na si Saddam Amlih; pawang residente ng Brgy. Alat, Jolo ng lalawigan.

Sa ulat ni Captain Ryan Lacuesta, Civil Military Operations Officer ng 2nd Marine Brigade, dakong alas-7:00 ng umaga ay lulan ang mga biktima ng sasakyan para ihatid ang dalawang bata.

Pagsapit sa bisinidad ng Scott Road sa kapitolyo ay hinarang ng limang armadong kala­lakihan ang sasakyan ng mga biktima at tutukan ng  baril at isinakay sa isang Tamaraw jeep.

Namataan ang mga biktima sa direksyon ng Brgy. Anuling, Patikul ng lalawigan  na kilalang balwarte ng mga bandidong Abu Sayyaf.

Naglunsad ng search and rescue operations ang tropa ng Philippine Marines upang ligtas na mabawi ang mga bihag.

 

vuukle comment

ABU SAYYAF

ALMALYN ABUHAIL

BRGY

CAPTAIN RYAN LACUESTA

CIVIL MILITARY OPERATIONS OFFICER

JOLO

MARINE BRIGADE

MOHAMMAD ZAHER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with