^

Police Metro

Holdaper sa riles, arestado

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Arestado sa isinagawang follow-up operation ang isang holdaper na bumibiktima sa mga pasahero ng tren na nag-aabang sa Blumentritt, Sta. Cruz, Maynila.

Nakakulong na sa Manila Police District-Station 3 ang suspek na si Jordan Hernandez, 26, may asawa, walang trabaho at residente ng  #3114 Old Antipolo St., Sta.Cruz, Maynila.

Pormal na naghain ng reklamong robbery-holdup ang biktimang si Marjorie Motol, 31, may asawa ng Bulusan St., Laloma,  Quezon City laban sa suspek.

Sa ulat ni Chief Insp. Arsenio Riparip, block commander ng Blumentritt-Police Community Precinct, dakong alas-5:30 ng madaling araw nitong nakalipas na Sabado nang dumulog ang biktima sa presinto matapos maholdap siya  ng suspek habang naglalakad sa riles patungo sa Blumentritt station ng Philippine National Railways (PNR).

Nakaabang siya sa darating na tren southbound kaya hindi niya napansin ang paglapit ng suspek at tutukan siya ng balisong. Inagaw umano ang dala niyang Samsung tablet at bag na naglalaman ng gamit at pera.

Nang tumakbo papalayo ang suspek ay agad namang nagsumbong sa katabing PCP ang biktima at sa isinagawang follow-up operation ay saka nadakip si Hernandez.

 

ARSENIO RIPARIP

BLUMENTRITT

BLUMENTRITT-POLICE COMMUNITY PRECINCT

BULUSAN ST.

CHIEF INSP

CRUZ

JORDAN HERNANDEZ

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MARJORIE MOTOL

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with