^

Police Metro

Granada sumambulat: tserman, misis todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang barangay chairman at misis nito habang nasugatan ang magkapatid na kagawad matapos sumabog ang isang granada sa loob ng kanilang sasakyan kamakalawa ng gabi sa Laurel, Batangas.

Ang mga  nasawi ay kinilalang sina Nestor Rodriguez, chairman ng Brgy. Buso-Buso ng nabanggit na bayan at misis nitong si Josebia Rodriguez na magkakasunod na binawian ng buhay sa pagamutan.

Nilalapatan naman ng lunas ang magkapatid na konsehal na sina Maximo at Jaime Sarmiento.

Batay sa ulat, kasalukuyang minamaneho ni Rodriguez ang L200 van nang bigla na lamang sumabog ang granada na nasa pagitan ng mag-asawa.

Nabatid na pauwi na sa kanilang bahay ang mga biktima matapos silang makipagpulong kay Laurel Mayor Randy James Amo nang sumabog ang  kanilang sinasakyan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy kung aksidente o may nag-pasabog ng granada sa loob ng sasakyan.

vuukle comment

BATANGAS

BATAY

BRGY

BUSO-BUSO

JAIME SARMIENTO

JOSEBIA RODRIGUEZ

LAUREL MAYOR RANDY JAMES AMO

MAXIMO

NABATID

NESTOR RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with