^

Police Metro

Binata, tumalon sa LRT, tigok

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tigok ang isang binata  makaraang tumalon mula sa istasyon ng Light Rail Transit (LRT) kahapon ng umaga sa Pasay City.

Dead-on-arrival sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Romuel Joves, 25, binata, ng Block 10, Lot 12 Kalayaan Village, Barangay  201 sa lungsod.

Sa report ng Pasay City Police Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng umaga sa  railing ng train na kumokonekta sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) sa Taft at EDSA Avenue.

Nabatid, na kasama ng biktima ang kanyang  inang si Ludy Briones, 66,  at patungo sana ang mga  ito ng PGH dahil magpapa-check-up ang biktima.

Ayon kay Ludy, bigla na lamang tumakbo ang biktima at tinangka niya itong habulin  subalit mabilis na nakaakyat sa tulay  ng  LRT-MRT   at isinagawa ang pagtalon.

 Sinabi ni Ludy, matinding depression ang isa sa mga dahilan ng pagpapatiwakal ng kanyang anak dahil ilang araw ng hindi natutulog makaraan umanong  laitin ng kanilang mga kapitbahay  ay pinagsabihang dalhin na Mental Hospital.

 

vuukle comment

KALAYAAN VILLAGE

LIGHT RAIL TRANSIT

LUDY

LUDY BRIONES

MENTAL HOSPITAL

METRO RAIL TRANSIT

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY POLICE HOMICIDE SECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with