^

Police Metro

Sanggol ni-rape ng ama

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga tauhan ng Taytay Rizal police ang isang ama dahil umano sa ginawa nitong panggagahasa sa kanyang sariling anak na 9 na buwang gulang pa lamang.

Kinilala ni Sr. Supt. Rodolfo Anduyan, director ng Rizal PNP ang suspek na si Rodolfo Valle Jr., 34, nakatira sa bundok ng Bahahi, Sitio Tupay, Barangay San Juan, Taytay, Rizal.

Ayon sa ina ng biktima na si Elena, dinala niya sa isang klinika sa kanilang lugar ang sanggol noong Lunes dahil nakita nitong namamaga at nangingitim ang ari ng kanyang anak.

Agad namang isinailalim sa medical examination ang sanggol at nakita ni Chief Inspector Maria Anna Lisa Dela Cruz ng PNP crime laboratory na may sugat ang ari ng bata na posibleng  ginahasa.

Dahil doon ay agad na humingi ng tulong si Elena sa mga awtoridad at kanyang ipinaaresto ang kanyang live-in-partner.

Kusang loob naman sumama sa mga awtoridad at  kinatawan ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) ang suspek pero kanyang itinatanggi na ginahasa niya ang kanilang sariling anak.

Gayunman, disidido si Elena na sampahan niya ng kasong statutory rape sa Rizal provincial prosecutor’s office ang suspek na ngayon ay nakakulong na sa Taytay police station.

 

vuukle comment

BARANGAY SAN JUAN

CHIEF INSPECTOR MARIA ANNA LISA DELA CRUZ

ELENA

MUNICIPAL SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

RIZAL

RODOLFO ANDUYAN

RODOLFO VALLE JR.

SITIO TUPAY

SR. SUPT

TAYTAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with