^

Police Metro

Paslit na nahulog sa escalator namatay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Idineklarang patay na ang isang 3-anyos na batang lalaki na nakaladkad ang kamay ng rubber hand rail ng escalator at nahulog mula sa ikala­wang palapag ng isang mall sa Binondo, Maynila.

Kahapon ng alas-7:40 ng umaga nang ideklarang patay sa Justice Jose Abad Santos Ge­neral  Hospital (JJAGH) ang biktimang si Charles Ivan Pascual, ng no.  30-T Santiago St., Canumay Valenzuela City dahil sa tinamong crack sa  ulo  at bali ng braso.

Magugunita na noong nakalipas na Martes ng gabi nang isugod sa nasabing ospital ang bata matapos na mahulog sa ikalawang palapag ng escalator sa 999 Mall, sa Felipe St., Binondo, Maynila.

Nabatid na kasama ng biktima ang ina na si Melody, 38 at kapatid na si Jerrane, 9- anyos,  nang matuon ang atensiyon ng ina sa pares ng sapatos at hindi namalayan na nagtungo ang biktima sa escalator kung saan ito nahila ng rubber hand rail at nahulog.

Nagsampa na ng reklamo ang mga magulang ng bata sa pamunuan ng mall.

vuukle comment

BINONDO

CANUMAY VALENZUELA CITY

CHARLES IVAN PASCUAL

FELIPE ST.

IDINEKLARANG

JERRANE

JUSTICE JOSE ABAD SANTOS GE

MAYNILA

T SANTIAGO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with